mga babasahin

hala sige
namnamin
huwag mahihiya
kahit magreact ka pa ok lang...
ito lang naman ang katas ng pinakatapat
kong naiisip mula sa bugso ng aking damdamin
sa bawat oras na ako'y haharap sa tapat ng pc

Wednesday, October 31, 2007

gising ngunit pikit-drama ko nun 10-20-07


gising ngunit pikit

gusto kong magising sa isang pagtulog di ko malaman kung panaginip o bangungot,
sa buhay akala ko lagi kang gising,
may oras din pala ng pagtulog
akala ko puro lang saya
may oras din pala ng lungkot,
parang ang sarap balikan ang nakaraan
ng literal,
kung kailan kinikilig pa ako sayo,
walang galit,
walang sakit,
hindi tulad ngayon
namanhid na ang nararamdaman
prang ang sarap umawit ng Oo at Bitin Sayo
pero lalong lumala, mas kumikirot, mas masakit
dahil talagang sapul ako
tagos hanngang buto
na kung saan kakailanganin ko pa ang isang ortho,
ganun katindi
pero ayaw kong magsisi
sabi mo, ako ang magbago
pero ganito ko, ubod pa din ng tanga sayo
sana nga magbago ako
akala ko nga sadyang manhid ako
pero heto ang sakit
sana makatulog na lang ako
ng blangko
walang iniisip na tulad mo
o kaya magising ako na mulat ang mata, gusto kong maibalik ang ngiting toh tulad ng dati, kahit mag-isa na lamang
kahit mag-isa na lamang
sana kaya ko naman




10:47 PM - 0 Comments - 0 Kudos - Add Comment - Edit - Remove


About | FAQ | Terms | Privacy

No comments: