mga babasahin

hala sige
namnamin
huwag mahihiya
kahit magreact ka pa ok lang...
ito lang naman ang katas ng pinakatapat
kong naiisip mula sa bugso ng aking damdamin
sa bawat oras na ako'y haharap sa tapat ng pc

Tuesday, July 08, 2008

just a thought

just a thought...
"its not always right to stay in pain when you know you've already had too much...

and it isn't always wrong to be happy..

when you know it's about time that you deserve to be..."

Friday, June 27, 2008

ganda sa viewfort





just a thought...
la lang, feel ko lang magrelax ngayon, actually tapos na,
mas maganda yan kung ginawang pool yan,anyway natuwa lang ako kasi am on a peak, sarap ng hangin, panalo sa view, nakakarelax talaga, timing na timing sa sitwasyon ko ngayong depress-depressan ako ngayon, ayan tamang foodtrip, picapics,swimming, konting drinks, pero siyempre pinakabisyo ko yung magpalutang-lutang sa tubig. ayan nangitim din ako niyan kahit makulimlim ng kaunti, ayun, kiber lang kung makita lahat ng taba sa katawan, kain pa din ng madami kahit laki na tiyan sa kakalafang, panalo naman talaga kasi yung mga steamed vegies plus sobrang panalong bagoong, pwede na akong mamatay sa sarap, siyempre ang pag lafang eh isa pinakamasarap gawin sa earth, aside sa matulog, maligo, at magcolor(kung nanood kayo ng sex in the city, alam niyo yung term na magcolor, hehehe) anyway masaya ko pansamantala ngayon. I am so thankful that I have good friends on my side. masarap mabuhay free from radicals, ayan niyaya pa nag nila akong gumimik kaso pagod na ang katawang lupa ko sa pagpalutang-lutang kanina sa tubig. ayan mga larawang nakikita niyo eh isa sa mga kuha nila sa akin na feel ko lang gawing background dito, bongga! taray ni jaydee at anne.

Tuesday, June 24, 2008

don't ask me why, but i ask you please...

masama bang akong tao?
masama bang maglabas na hinanakit dito sa madlang tao?
talaga bang kailangan kong humingi na paumanhin sa mga bagay na sinabi ko na totoo naman?
kung may nasaktan, pasensya, kung burahin ko man yung isinulat ko, alam na man na nila...tapos may maririnig ako sayong pagpapasalamat sa ginawa kong pagsira?
ng ano? sabihin na nating nakadagdag ako ng ikinasama moh sa tingin ng mdalang tao, pero kailanagn bang isisi moh sa akin palagi o sa iba kung bakit ka nasa lugmok...
sinasabi mong hindi na kita binigyan ng respeto pero sa tingin moh ba ngawa moh yun para sa akin?
buong buhay ko, pag ako ang nagkakamali, nunca kong sinabi na kasalanan yung ng ibang tao, lagi kong sinisisis yung sarili ko kasi may kasalanan din ako kasi bakit ko sila hinayaang magkaganito ako? kaya ganun na lang yung self-pity ko,
ako din naman nasaktan before pero nunca kong idinamay yung bago kong relasyon, nuca kong ginawa na gumanti,
INSULTO?
SINIRAAN?
utang na loob naman, ngakwento lang naman ako , malay ko bang may masugid pa lang ngababasa ng mga isinusulat ko na may koneksyon sayo?
SINAKTAN KO YUNG MGA TAONG NANINIWALA SAYO NA KAYA MONG MAGBAGO?
abay masochista nga pala talaga ako,
OO, kaya mong magbago, pero wag moh paniwalain sa mga kasinungalingan yung mga tao sa paligid moh, kung magsisimula ka, magsimula ka ng tapat, huwag kang parang may split personality na ganito ang sasabihin moh sa akin, ganun yong sasabihin moh sa kanila...
ikaw na din ang nagsabi na truth hurts, and it goes along with honesty...
nagtataka lang ako bakit ngayon ka alang ata tinablan ng mga sinasabi ko, kilala moh ako na ganito ako, walang preno magsalita pero totoo, hindi ko nga alam kung paano kita ivivindicate sa iba eh, ako pa naman pag sinabi ko, I never say sorry when i mean it.
nakakatuwang isipin na ang tingin moh sa akin eh napakabuti kong nilalang, gusto kong maintindihan niyo, na nasasaktan din ako dito, ito lang yung medium ko, akalain ko bang nasasaktan kita thru this simple way of writing things about us.feeling moh sinira ko pa yung natitirang false hopes na mabuo yung pamilya moh? at ipinagdiinan mong hindi nagawa sa iyo na insultuhin ka nga mga taong nagmamahal sa'yo, alam moh tatlong tao lang yung kilala kong ganun sayo, yung holistic yung approach, ako akala ko kaya kong gawin yun eh, pero hindi din pala, hindi ko pala kaya yung powers ng mga magulangmagmahal. sila lang yung may ganung support eh. Alam moh sa lahat ng sinabi kong masasakit, kung tinamaan ka sana may napulot kang maganda, isipin moh na wala na akong ipinagkaiba sa mga taong nang-iwan sayo, magalit ka na sa'kin(kung iyan ang ikakamulat ng mata ko), huwag mong isipin na ako ang heroine moh, tao lang din ako,andito ako sa stage na yung pasensya ko, umapaw na sa limitasyon niya, na dun ko naramadaman na may pakiramdam din pala ako, all this time, namanhid na lang ng paulit-ulit sa sitwasyon.

alam ko, binabasa moh toh ngayon, ikaw at ang masugid kong taga-tingin ng site ko, bakit hindi moh siya pagbigyan kung talagang mahal moh siya, kayo yung magkakaroon ng pamilya dito eh, sa amin wala, and besides nagawa ko na yung part kong madiscover by destiny yung mga natira pang future conflicts, so far naniniwala akong huli na yon, im pulling out, hindi sa ipinapaubaya na talaga kita pero ito yung tama, hindi sa hindi kita mahal, pero ito yung nararapat. Ikaw na mahal niya, alam ko matapang ka eh, pero hinidi karuwagang amining mahal moh pa yung tao, or kailangan moh yung tao,defense mechanism moh lang yan sa ngayon, huwag moh namang hayaang madamay yung inosenteng nilalang na tangan moh,ginawa niyo naman yan ng may pagmamahal di ba so sana makita din niya paglabas yung pagmamahal from the both of you(Oh wag mong sabihin na namang sabihing tinuturuan kita diyan at may sarili kang utak, hayaan moh muna akong magsalita). Sabihin moh na ako yung pinakatanga, martyr, pero ganun talaga, tanggap ko na iyon, actually im not necessarily that kind, kung bitter kayo, mas lalo na ko, pero kung mahal moh naman talaga siya, tatanggapin moh pa din sana siya, kung kilala moh talaga siya ng mas matagal sa akin, alam moh yung frustration sa buhay, he wants a nice, complete happy family, ikaw you've experinced it siguro, so sana wag tayong maging selfish,malalaki naman na tayo eh, may inosenteng nilalang ng involve dito, I know everybody's tired here, mahirap magpatawad eh, pero give it a try(sabihin moh ng bitter ako,or napaplastikan ka sa pinagsasabi ko ngayon).Gusto kong maging ayos yung taong mahal na mahal ko to the extent na ganito, if it's not me who can fill his emptiness, i know ikaw tsaka yung magiging anak niyo,sa tingin ko kaya, mga galit lang tao ngayon pero lilipas din toh. sinasabi ko sa inyo, maalala niyo, pag labas niyan, you'll feel the joy na kayang pahupain lahat ng galit sa mundo. never na kayong makakarinig from me. don't insult me when i say PLEASE,but I'll still say it,please give him a chance,huli na yan, pag umulit pa yan magsabi ka sa akin,pipisikalin ko na din yan. hindi naman madali yung ganitong pinagdadaanan natin,malas man o swerte ako sa sitwasyong toh, i'll give way, lam ko mahal moh yan eh,kasi bakit may nagrereact pa pag may sinusulat ako dito, bakit ka pa nagagalit?, kung binigyan man kita ng sama ng loob sa mga sinabi ko, quits-quits na lang tayo, remember galit ako nung sinabi ko yung mga bagay na yon, pero i said it with all honesty and truthfullness, sana sabay niyo tong binabasa.magbati na kayo, sana hindi naman masayang yung effort ko. atleast nailabas na ang galit,lahat-lahat, at IKAW na tinutukoy ko, umayos ka na talaga, hindi ko gustong sirain yung future family moh, malakas ka sa akin eh, so i've done my part, sana na lang bigyan ka niya ng chance, ipagdadasal ko yun. Mabuhay kayong mapayapa, I'll be fine too kala niyo kayo lang, siyempre hindi lang kayo yung dapat okie noh? hindi man this soon, pero ika nga sa sinehan, next attraction ba ng buhay ko. God bless! sa ating lahat!just a thought...

Sunday, June 15, 2008

nigai?sana yung mga ganitong bagay pwedend ireklamo sa pulis...

just a thought...

hirap ng ganito
parang ok ang lahat pero hindi
napakadami kong reklamo sa buhay
hindi sa sinasabing wala siyang kwenta
pero bakit ako nakakaramdam ng ganito
sinasbi niya na dapat wala ng kaugnayan sa
mga nakaraan bakit hindi pa din niya binubura
kesyo ako naman daw lagi ang nasusunod? talaga
lang?as in really?pag sinabi ko bang sunduin niya
ko nasusunod?eh yung ihatid ako kahit sa huling
terminal lang ng MRT nasunod? sumbatan ba?
maybe yes, maybe no, pero nangyari na ba
yun kahit minsan? ano sex na lang na 'to
ano ba yung silbi ko sayo aside from
dun? ano? bukod sa ako nagastos
mostly kasi bibirahan ako
ng mah la akong pera
ngayon, bawi nalang ako
next time, then sa next time
ganun na naman, vicious cycle
akalain mong ako yung naiinsulto sa
mga nangyayari kasi ako yung babae ako
yung nagastos para sa lalaki, parang gusto kong
maniwala dun sa friend ko na nagsabi na pag hindi daw
siya ginagastusan ng lalake, hindi daw siya mahal, parang
ang babaw no pero kiber lang sa paniniwalang yun, ok lang
din namang magshare din pero hindi ganun ang mga laging
nangyayari(teka bakit ba to napunta sa pera) well ganito
yan siguro, dahil sa pagsisinyemto ko na ayaw akong
payagan umalis,mag-abroad ba, eh diyos ko naman
wala akong maiipon dito, di ako makaipon lalo na
kung makikipagkita ko palagi sa kanya kasi
ganun nga yung cycle, buti ba kung loyal
siya
eh hindi naman!
kelan? paano ko maniniwala
ngayon kahit nakalipas na parang kahapon
lang nagyari, kasi yung pundasyon puro lubid lang
ng buhangin, di ko alam kong may blood clot na ba ang utak
ko or bulag ako dahil sa lintek na pagmamahal na 'to! kasi gusto ko
lang namang maranasan na alagaan ako, ipagmalaki, maging bida ng buhay
niya pero asa ako,panaginip ko lang ata yun, sabi niya ako papakasalan niya
ni engagement ring wala nga siyang maibigay, paano ko maniniwala na kaya
niya akong buhayin? ganito ba ako katanga? ang liit na nga ng tingin ko sa
sarili ko, pinapaliit pa niya lalo. Ayaw ko nung mga salitang BASTA, ayaw
na ayaw ko sa mga salitang hindi sigurado. Sana lang kasi yung sinasabi
niya sa akin ginagawa niya din, ako nga pinipilit kong iwasan yung ex ko
as much as possible kasi ayun pa naman pag gusto niya kong makita
gumagawa yon ng paraan , galit-galitan pa siya sa akin pag nagrereply
ako doon ayun pala sila pala eh talamak pang nag-uusap ng ex niya
di ko magets yung point na magsosorry pa if mean to really hurt
tapos may pa mwah,mwah pa! pwe! tas may pa-advice-advice
pa! isa pang pwe! bitter, ano yun umaasang babalik yon dahil
baitbaitan siya? at ako? paano ako? lam moh kung binabasa
moh toh ngayon dumudugo ka na ba?nararamdaman moh
ba galit ko?well siguro hindi, yun eh kung curious ka sa
account na toh anyway wala naman akong paki kung
mabasa moh mailabas ko lang dito! tas before may
sideline pang IMPAKTA na ngayon turned BUTETE,
pano naman hindi ako mabobother ulit nito eh nagflash
lang sa memory ko na dati nagtatanong about sa mga pam-
palaglag, laging nagtatanong about sa situation na may friend
siya na nakabuntis nung time na magkaaway sila nung GF niya
tas nagkabalikan naman daw tas ok lang daw sa GF nung friend niya
and even asks me what if that will happen to us? tinanong ko naman siya
if something happened, siyempre sasabihin niya wala, pero knowing din
siya,still doubt it, kahit pa sabihin mong martial artist yun eh isa rin yung
babaeng tatanga-tanga tulad ko na pwedeng madala sa mga buladas niya!
Sana pagiging fickle-minded lang 'to, i'm still wishing that CREEPY thought was
just out of my fucking thought! SANA TALAGA HINDI TOTOO kasi kung totoo
huwag na lang kaming mag-usap, i have my passport na, anytime I can go,
kahit ba sabihing ang dami ko ng nainvest sa kanyang panahon, emosyon,
pera, pucha wala namang kwenta yun lahat kung wala na yung tiwala'
yung substance ng isang relasyon, paulit-ulit lang yung mga nang-
yayari kasi. Ako man hindi din perpekto but Im doing everything
(maluha-luha)don't I deserve some love, ano pa ba kulang ko?
sana yung mga ganitong pwedeng maireklamo sa pulis tas
maayos na.
Mahabagin na nasa taas, maawa po kayo sa akin
bigyan niyo na lang ako ng amnesia para makalimutan
ko ang mapapait na nararanasan ko, ayun na lang kasi hindi Niyo naman na ko maibabalik sa uterus ng ina ko. Hindi ko Poh alam kung hanggang saan ko kakayanin yung mga ganitong bagay eh, masyadong mabigat, wala akong pakialam kung may magbabasa ng blogs kong ito pero the mere fact na nailabas ko na dito sana umOK na ko,sana nga pag naisulat ko dito,
nakalimutan ko na to, sana,
ito muna sa ngayon...

Saturday, June 14, 2008

zythromax na ang tinira ko

....sana gumaling na ko
menus the hingal,
pero may plema padin ayun sige ilabas lang
para gumihawa ang pakiramdam ko diba ok?
sounds kadiri ba?
haha wlang pakialamanan URTI ito noh so may plema,plema.plema!
hahaha!
i'm so happy nadin kasi i got weiss kruz beatiful alone
tapos i got yuyu hakusho too
tas we are going strong ni dah
love it kaso...
i hate it when i remember upon seeing
a impaktang turned butete!
i really HATE THAT BUTETE
siguraduhin niya lang na wala siyang kinalaman sa pagiging butete nung IMPAKTANG yun
anyway change topic 'coz i got my blood na 200/120
so bale pag nakita ko xa ngayon
tusukin ko yung tyan niya!
hmmp! buti na lang currently playing yung beautiful alone ng knight hunters!
nakakawala ng highblood
parang captopril 25mg SL

grabe sa tinagl-tagal, annyong'hi-ship-shiyo!


just a thought...
ngayon ko lang nalaman na jologs yung ginagamit kong typical resume
pwede pa lang gawing makulay
hayyy...
ano ba yan sa tagal kong hindi nagbloblog wala pang kwenta ipopost ko...pero honestly ngayon ko lang nalaman sa pwede nating itry ..i mean magtry ng iba, work beyond imagination,
hindi lang para maging kakaiba kundi for a change and be more personalized yung dating....

nga pala ang dahda ramcy ko nasa bicol, nasa tm power tour, bukas pa uwi,sana makapagpahinga siya....
hay....

annyong'hi chumu-ship-shiyo!

Tuesday, November 20, 2007

hanep nagcomment lang ako, parang nagpost na din na blog kay pinaybroadkaster

just a thought...
  1. lam moh okie lang magpakabalahura tas in the end marerealize moh din na masyado ka ngang rude…hindi ko kasi magawa yan, sa bf ko kong dj ko lang ata lahat ng pinakamean na pwede kong sabihin sa isang tao eh malay ko bang napupuno din ang mga tao…kaya ayun humanap ng mukhang katulong na model ng isang skeletal system na katulad niya, (how bitter di ba?)in fairness magsama pa din kami nun kahapon, super tanga di ba?

    ang masama niyan yung pinakamean na pwedeng sabihin sa akin eh yung nanay ko pa yung nagsasabi, naman, yung mga kaibigan ko nga hindi ako nililibak na ganun,
    siya lang naman ang kontrabida sa buhay ko, ang lagay ba pag nagluwal ka ng anak sa mundo, sayo na yung anak moh, kaya ako ayaw kong magkaanak kung magiging katulad niya lang ako, hidi ako robot okay?
    kesyo nagmamalaki daw ako at nurse ako?halur in the first place gusto ko bang maging nurse? kinuha ko lang yun para matahimik ang kaluluwa niya, eh tapos na ko ngayon, nakapasa din sa board and everything tas bawal pading magboyfriend? naman, kung totoo sana yung commercila ng CDO na cornedbeef naku, ipapalanghap ko sa kanya yun ng mag-iba isip niya kaso hopeless case na siya(tama ba namang sabihin ko lahat ng hinanakit ko sayo sa comment na toh) anyway pasensya na , wala lang mapaglabasan ng sama ng loob ko, nafrufrustrate lang tlaga ako …

  2. …kasi nga sana man lang nasa field ako na ginagalawan moh, kung naging matapang lang sana ako na ipaglaban yung trip kong course o kaya fine arts, kung hindi comm art, kahit nga culinary, kahit ano pang arts, iniisip ko tuloy kung paano ko maiincorporate yung gusto kong gawin sa curse na pinasok ko, ang saklap, malas na’ko sa nanay ko, sa career, sa lovelife,ang saya di ba?

    PS: paano ba gumawa na sariling blogsite dito sa wordpress?di talaga ako marunong eh, mayroon lang akong blogspot, but not here, eh mas interactive ang mga tao dito, sabihin moh ng nasa boobs ang utak ko(na minsang nasabi yan ng BF ko sa akin nung binalahura ko yung pic nila together with the skeletal sysytem) parang gusto ng maniwala, nakakahiya mang magtanong pero ganito talaga pag kaunti na ang braincells at nasa herniated pa ang brain sa boobs, naging tao pa ako…:-
ang masasabi ko lang sa comment ko na toh, kulang pa, mas bayolente pa ang nais kong sabihin in fairness kaya naman may K akong mang-okray ng iba dahil lam ko mga flaws ko, flawful kaya ako so carry lang, ang masasabi ko lang ganito talaga pag bitter

Monday, November 12, 2007

INFLUENZA

just a thought...

ang pagmamahal ko ay parang influenza...ang PATHOPHYSIOLOGY ng Vicious Cycle na itoNov 12, '07 8:04 AM
for everyone
parang influenza virus na paulit-ulit na bumabalik pag naghilom na,
pwedeng inuman ng bio-flu kung gusto ng maagang pagrecover,
pwede ring tmang tubig lang,
increase fluid intake ika nga nila,
tamang pahinga...
kaso pag dumadating ang panahon ng taglamig,
may ulan, may ambon,
tas may araw naman,
may mainit na umaga hanggang sa katanghalian
tas may makulimlim na dapit hapon,
pagkatapos ng nakakapagod na trabaho,
may maamoy ka lang na something na nakakairita ayun
Hatsing na...akala moh simpleng allergic rhinitis lang ito,
tuluan na ang sipon? uhog?
kung anu mang laman ng iyong ilong,
kung hindi naman...
mapapaluha ka na lang,
pwedeng sa nagdadrama talaga ako,
o talagang nastimulate lang tal;aga ang lacrymal glands ko,
anyways
pag-uwi moh
matutulog ka
magpapahinga...
pag-gising moh ang bigat na ng pakiramdam ,
parang ayaw moh ng bumangon...
tas mababasa moh sa text ng cellphone moh
"ok ayaw na"
anung iiisipin moh?
para kang nag-offer ng ibinebentang gamit after makipagdeal sayo at tumawad ng malaki sasabihin sayo"ok ayaw na"
o kya batang hinandaan moh na paborito niyang pagkain tas sasabihin sayo"ok ayaw na"pag busog na siya
o kaya naman parang nung isang gabi lang pumunta ka sa office nila para makipagklaruhan,
mula cavite hanggang makati after ng nakakpagod ng 4pm-12am na duty,kung saan nakarating ka ng 2am ng madaling araw sa office nila, nagkwentuhan, sweet-sweetan, nagtatanong ng paulit-ulit na tanong para maconvince ang sarili na totoo ang mga narinig,nag-walk-out, hinabol, habang nasa byahe nagka-ayos din,
nakauwi,
nakatulog
umaasang ayos na talaga,
tas kanina nagparamdam ka,
bago matulog nacurious na naman sa mga shoutouts niya sa site niya,
nabasa moph, pakiramdam moh, parang hindi sayo yung mensahe,
tas tiningnan moh din yung shoutout nung babae niya, parang tugma sa nabasa moh,
bago ka nakatulog nagtext ka sa taong ipanagpupuyos moh ng damdamin,
nakatulog ka naman ng mahimbing,
nanaginip ka pa nga
nag-aalaga ka ng anak niya
kahit hindi sayo iyon,
basta hindi moh na maalala kung gaano ka kasaya sa panaginip na iyon...
tas pag-gising moh may mababasa kang reply na "ok ayaw na"
napakasaya di ba?
ang bigat sa pakiramdam,
bumibigat ang talukap ng mga mata,
hanggang sa may tumutulo na di moh malaman kung luha o sipon, tas kumain ka pa ng hipon sobra sa anghang,
di mo alam kung naallergy ka na sa sobrang dami ng nakain moh,
yung congested na yung feeling tas ang sama pa talaga ng pakiramdam moh, implied man o hindi,
ayun bigla moh na lang naisip...
may INFLUENZA ka na kahit di ka naman nilalagnat
naisip moh lang kasi kahit hindi cancer ang sakit moh, STDs, ang virus na toh ay paulit-ulit lang ding bumabalik, parang pagmamahal,
natural sa tao, kusa ding babalik sa tamang panahon,
kaso ang masama niyan
nagmutate na ang virus...
out of influenza,
naging meningitis pag napabayaan, o kaya mas malala meningococemia, ang taray patay ka kagad,
pero parang mas trip ko kung mamatay ka lang din naman ng ganun kabilis, bakit hindi ka na lang pumili ng gamot na allergy ka , mamatay ka din ng ganun kabilis pero hindi ganun kahirap,
ang tawag dun...
Anaphylactic shock
love it>..